Inspirasyon. Nawawala ang "INSPIRASYON" ko.
Ang hirap mag-aral kung walang inspirasyon.
Magkwentuhan tayo.:)
Nitong huling linngo, super "inspired" ako. Lagi akong masaya kasi madalas kaming magkita. Buo ang araw ko kapag nakakasama ko siya. Isang araw eh nagising ako at naisip kong SIYA na marahil si INSPIRASYON ko. Sabay kaming kumain. Nahawakan ko na ang palad niya. May mga napag-usapan na kaming mga bagay-bagay na walang kabuluhan. Nasubukan na naming umuwi ng "late" dahil nasiyahan kami sa pakikipag-kulitan sa isa't isa.
Masaya ako kapag magkasama kami ni INSPIRASYON ko. Isang buong linggo akong naging masaya dahil sa kanya. Oo, isang linggo lamang.
Noong Sabado din mismo ay pinili niyang maging malaya at itigila na ang kung anumang nasimulan namin. Sabi niya pa, hindi raw kami compatible. Ang sakit, sooooobra. Pinusta ko lahat ng meron ako para lamang kay INSPIRASYON sa pag-aakalang malaki ang mapapanalunan ko. Pero wala. Talo ako, at hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko na mababawi ang kung anumang nawala sa'kin. Talo ako. Ang galing niya. Natalo niya ako. Tsk!
Well, nevermind. Magkaibigan nalang kami ngayon at nasabi niyang mas gusto niya iyon. Kanina lang ay tinawagan niya ako. Madami siyang sinabi. At isa lang ang hinihiling ko sa ngayon. Sana ay huwag niyang kunin ng tuluyan ang aklat niya sa locker ko, dahil sa paraang iyon ko na lamang siya maaaring makita at makausap.
Mahaaaaaal ko siya. un un.
PS para sa mga taong nakakita at nakakakilala sa INSPIRASYON ko:
Nawawala si INSPIRASYON ko. Tulungan niyo `kong maibalik siya sa'kin.
at isa pang
PS para kay INSPIRASYON ko:
Sana kapag nabasa mo `to ay magbago ang isip mo. Alam kong nagkamali din ako. SORRY. At gusto kong malaman mo na maghihintay ako sa pagbalik mo. Gimingaw na ko nimo.:)
-ounce.


0 comments: